Friday, March 03, 2006

Labi ng Exodo sa Buhay Ministeryo

Ang aklat na Deuteronomio ay hango sa salitang Griego na ibig sabihin ay kopya ng kautusan (Deuternonomio 17:18) o pangalawang kautusan. Ang mga kaustusang dito’y nasasaad ay di kaiba sa kautusang ibinigay ng Diyos kay Moses sa bundok ng Sinai, bagkus ito ay kautusang nasaysay at itinuturong naaangkop sa pangkasalukuyan nilang sitwasyon.

Sa Deuteronomio 8:1-10, mababakas sa mga pananalita ni Moses ang pagnanais na mailahad sa Israelita ang kahulugan ng kanilang mga pinagdaanan at ang walang sawang pagkilos at pagpatnubay ng Panginoong Diyos sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Maliban pa dito, ating mararamdaman sa mga pananalitang ginamit ang bigat ng mga pangyayari, malayo sa pangkaraniwang presentasyon nito sa kanilang buhay manlalakbay. Kaalinsabay ng mga paala-ala ay pangako. Na mula sa pagsunod sa kautusan ng Diyos at paggawa ng mabuti ay ang paglawig ng buhay, pagdami ng lahi at pagkakamit ng lupang pinangako (v.1).

Isinaysay ang interpretasyon ng paglalakbay sa ilang na bukal ng reyalisasyong makapagpapatatag at nag-iisa sa kanila bilang lupon ng taong pinili at iniligtas mula sa pang-aalipin ng makapangyarihang bansa, ang Ehipto. Ito ay ang mga sumusunod: (a) ang apatnapung paglalakbay sa ilang sa pamamatnubay ng Panginoon ay nagtuturo ng pagpapakumbaba (v. 2); (b) sinubok ang kanilang pagtalima sa kautusan o loobin ng Panginoon (v.2); (k) mula sa pagkagutom at pagbibigay ng manna, isang pagkaing hindi kilala, itinuro ng Diyos na hindi lamang sa pagkain nabubuhay ang tao, kundi sa mga salita rin naman ni Yahweh (v. 3); (d) ang mga pagsubok ng kanilang pinagdaanan ay pamamaraan ng Diyos upang tulad na isang magulang ituwid ang landas ng kaniyang mga anak (v. 5).

Bilang tugon sa mga kabutihang ipinakita at pinadarama ng Panginoon, binigyang diin ni Moses ang pagkatakot sa Diyos at pagsunod sa Kanyang mga utos. Kasunod niyang tinuran ang dahilan --- sapagkat kayo’y dadalhin Niya sa isang mainam na lupain, lupaing sagana sa tubig, maraming batis at bukal na umaagos sa mga burol at mga kapatagan…duon ay di nagkukulang ng pagkain o anumang pangangailangan.” (v.7-9 Magandang Balita Biblia). At si Yahweh ay pararangalan at pupurihin ng mga pusong nagpapasalamat sa Kanyang ginawa.
---
Pagbabalik Tanaw

Ang pagbabalik tanaw ay pananariwa ng malaon ng mga pangyayari ng kahapon, nakalipas o natapos na yugto ng pahinang kabahagi ng kasaysayan. Kaalinsabay ang mga damdaming kakabit ng bawat eksenang kabahagi na ng ating buhay. Ito ma’y malungkot, masaya, nakakagalit o nagdulot ng malaking bagbabago sa takbo ng ating pamumuhay. Bukod sa mga mapaglarong damdaming dito ay sumasabay, ay mga kaisipang naghubog sa ating indibidualidad at pagkatao. Karaniwan ito’y natatago sa mapapait na pangungusap, minsa’y realisasyon mula sa mapaniil na nilalang, minsan nama’y pinid sa damdaming nakikiramdam, nagtitiis, naghihintay, at pusong nagungulila. Kinukulayan ng mga pangyayaring nagpapatingkad ng salaysay na babasahin ng susunod na henerasyo o dili kaya’y ibabahagi sa kwentuhan. Ngunit ang repleksyon ng kahalagahan ng pagbabalik tanaw ng kasaysayan ay wala “noon” kundi nasa “ngayon”, nababalangkas sa uri ng pamumuhay ng indibidual at komunidad na anak ng henerasyong nakalipas.

Ang pagpapaala-ala ni Moses ng kanilang paglalakbay sa ilang ay pamamaraan ng pagpapahayag na kung saan, kanyang pinabubuksan di lamang kanilang isipan sa mga pangyayaring nagdaan, ngunit maging ang kanilang mga puso at pag-aalaala ng tiniis at sinuong ng kanilang katawan. Isang holistikong pagtanaw. Upang ang diwa ng kanyang pangangaral ay lubos na maunawaan sa isang malalim na pamamaraan. Tunay na sa pagbabalik tanaw o pag-aalaala ng nakalipas, ang pintuan ng pagkakilala sa sarili ay nahahayag.

Ang kanilang pagtatagumpay ang nagsisilbing sinulid ng kanilang pakikipag-ugnay at ang gabay at pag-ibig ng Diyos ang kanilang matibay na muog sa pagharap sa daluyong ng buhay. Ang kanilang tagumpay ay tagumpay nga, kung napapanatili ang kulturang larawan ng mayabong na kaisipan, sining at galaw ng kasaysayan. Ang pagkatuto ay pagkatuto nga, kung di hinahayaang maulit ang kamalian ng nakaraan at patuloy na naglilimi sa mga pangyayari sa kasalukuyan tungo sa bago at bagong hinaharap.


Ang mga Aral ng Kahapon

a.) Pagpapakumbaba

Apatnapung taong paglalakbay sa ilang. Ito ang tinaguriang puso ng kasaysayan ng Israelita. Alinsabay ng matagal ng yugto ng kanilang paglalakbay na ito ay ang sentrong aral na inihayag ni Moses sa kanila. Una, ang kanilang paglalakbay ay nagtuturo ng pagpapakumbaba.
Ang pagpapakumbaba ayon sa ating kapatid na Muslim, Muhammad Buneef, (Humbleness is to know the value of oneself, to avoid pride, or disregarding the truth and understanding people)[1] ay ang pagkakakilanlan ng kahalagahan ng sarili, pagrespeto at pag-unawa sa kapwa, at paghahayag ng katotohanan. Sa mga Kristiyano, ang pagpapakumbaba ay ang pagkilala at pagtanggap ng ating mga kasalanan, kapahayagan ng pagpupuri sa ating manlilikha, at katangiang may kaakibat na pangako (Awit 147:6; Isa. 57:15; 66:2).[2]

Ang pagpapapakumbaba, kung magkagayon ay pagkilala ng limitasyon at pagkukulang. Ang pagkakabatid ng kahinaan o limitasyon ay usbungan ng konsiderasyon at respeto sa kapwa. Ang kabatiran ng pagkaunawa sa sarili ay daang nagdurugtong sa pakikipagkapwa, pakikipagtulungan at pakikipag-ugnayan. Ang kahinaan ng isang indibidual, mga pagsubok o problema ang mga instrumento ng Panginoon upang mahayag ang Kanyang kadakilaan at walang maliw na pag-ibig.

b.) Pagtalima sa Kautusan ng Diyos

Nahayag sa mga Israelita ang kalooban ni Yahweh at maging ang Kanyang kautusan. Ang tipang nabuo sa pagitan ng Diyos at ng Israel na binuo ng iba’t ibang ordinansa, batas at ritual na susundin. Kung ating babasahin ang mga nasulat na ordinansa, batas at mga ritual, ang mga ito ay sumasalamin sa pagpapanatili ng kaayusan sa buong komunidad. Kung ating susuriin, umiinog ang mga kautusang ito sa Pag-ibig. Sa Deuteronomio 6:5, nasusulat ang pag-ibig sa Diyos ng buong puso, kaluluwa at lakas. Ang pag-ibig ang siyang makapangyayari at katuparan ng tipan. Kung hindi buhay ang pag-ibig sa puso ng magkatipan, ang mga kautusan ay parusa o responsibilidad na isinasagawa ng walang kabuluhan kundi dahil sa takot. Ang tunay na pagtalima ay nasusukat sa tibok ng pusong sumusunod at nagpapasakop. Ang halaga nito ay nababanaag sa gawi, ugali at prinsipyong isinasapamuhay at pananampalataya ng indibidual.

Nasubok sa ilang ang kanilang pagtalima sa mga kautusan, kipkip ang realidad na ang kanilang mismong pagkatao, pananampalataya at pag-ibig ang siyang tunay na nasalang sa pagsubok na natatago sa lupit ng mga sitwasyong kanilang pinagdaanan. Di maikakailang, maraming beses na nasawi ang Panginoon ng mga taong Kaniyang pinili at inangking mga anak. Maraming beses, nalabag ang kautusan ng Tipan at parusa’y kagyat nilang sinapit. Ano ang meron sa tilabaga’y mabigat ng kamay ng Panginoon? Tunay na Siya’y namumuhi sa gawang mali, at tunay na kalunos-lunos ang sinasapit ng taong nagkasala? Nasaan ang pag-ibig na nagbubuklod sa tipan? Pagtalima ay manipestasyon ng pag-ibig. Parusa’y ang sasapitin ng pagsuway. Ito ba ang tunay na senaryong nais ihatid ng sanaysay ng Bibliya?

Sa likod ng mga tila malupit na hakbanging naghihintay sa nagkasala ay ang paliwanag “upang di pamarisan”. Tunay na ang kaisipan ng Panginoon ay di malirip. Tunay na ang Kanyang kapangyarihan ay walang hanggang. Tunay na ang Kanyang pag-ibig ay di para sa iilan, kundi para sa nakararami, para sa mga taong nananampalataya at mananampalataya. Ang mga aral ng Panginoon para sa kanyang bayan ay nahahayag sa di iniasahang pamamaraaan. Wala sa maaaamo, kapanapanabik at tunay na nakagigiliw na presentasyon. Hindi isinusubo, bagkus ay pinaghihirapan. Hindi agarang mapapansin, kundi sinasaliksik at nauunawaan sa mata ng pananampalataya. Hindi lantaran, kundi’y nangangailangan ng konsentrasyon o katahimikan ng puso at isipan, upang marinig ang tinig na nagtuturo at gumagabay—ang Espiritu Santo. Mula sa mga mapapait na karanasan nahahayag ang mapapait na katotohan. Sumusugat nga sa ating puso, nagpapakislot ng isipan, nakapagpapapagal ng katawan, ngunit nag-iiwan ng markang humuhubog sa pagkatao ng indibidual.

Ang Kanyang pag-ibig ang ginagamit ng Panginoon upang tanggapin at unawain ang kanyang bayan, ang parehong pag-ibig ang siyang nakikinig sa mga panaghoy at daing, at kagyat ang tulong ay inihahatid. Ang Kanyang pag-ibig ang siya ring nag-uudyok ng disiplina upang ang karamiha’y di mapahamak. Ang Kanyang pag-ibig ang naghahatid ng kapatawaran sa mga pusong nagsisisi. Ang kanyang pag-ibig ang nangungusap at humahaplos sa bawat damdaming sumasamo ng tiwala at pagtalima. Sapagkat hatid Niya’y kaligtasan, lupang pinangako, saganang pamumuhay.Sa kabutihang ito ng Panginoon, ang pagtalimang nauugat sa pananampalataya ang siyang tugong magpapayabong/nagpapayabong ng Tipan.

K.) Hindi lamang sa pagkain nabubuhay ang tao, kundi sa salita ni Yahweh

Puno nang alalahanin ang lakbayin sa ilang. Pag-aaalala sa mga materyal na bagay na sasapat sa pangangailangan ng katawan.

May isang balong babae na inanayayahang kapanayamin ng isang reporter upang talakayin ang matagumpay niyang papagpapalaki sa kanyang anim (6) na anak ng mag-isa. Ngunit maliban pa sa anim na anak na iniwan sa kanya ng kanyang mahal na asawa, nakuha pa niyang mag-ampon ang labing dalawang (12) kabataan. Pinalaki niya ito, tinustusan sa pag-aaral, tulad din ng kanyang pagmamalasakit sa kanyang tunay na mga anak. Banaag ang kompiyansa at kakuntentuhan sa sarili, tinanong ng reporter ang babaeng balo. “ Ano po ba ang sikreto ninyo sa pagpapalaki ng mga anak sa kabila ng hirap na pinagdaanan ninyo?” Sumagot ang babaeng balo na may ngiti sa labi, “Napangyari ang lahat ng bagay na ito sapagkat ako ay nasa isang tipan o partnership!”. “Ano po ang ibig ninyong sabihin”, dagdag na tanong ng reporter. “ Ang ibig kong sabihin”, sambit ng babaeng balo, “ay maraming taon na ang nakalipas nang ako ay nakipagtipan sa Panginoon. Ang sabi ko sa kanyan, gagawin ko ang aking responsibilidad bilang ina at maging ama na rin sa aking mga ana, maging bilang isang mamayan kabahagi komunidad. Ngunit kapalit nito’y isinusuko ko sa Kanya ang pag-aalala.”(mula sa Sermon.org, isina-Filipino ni A.Carbonell)[3].

Tunay na ang pag-aalala o “worry” ay napagtatagumpayan sa pamamagitan ng pag-titiwala. Pagtitiwalang nabubuo sa pamamagitan ng isang relasyon. Relasyong nakapangyayari ng mga bagay o sitwasyong tila baga imposible sapagkat batbat ng hirap at pangamba.

Tulad nang mga Israelita, nagrereklamo tayo sa maraming bagay. Marami tayong naisin at ambisyon sa buhay. Na sa tingin natin ay pangunahin upang maitawid ang pang-araw-araw nating pakikipagsapalaran. Ngunit ang lahat pala nang mga ito’y nawawalang kabuluhan kung hindi nasasalig sa kalooban ng Panginoon. Ngunit sa pareho ngang sitwasyon, patuloy ang paglalaan sa atin ng atensyon ng Panginoon. Kanyang ibinibigay ang ating pangangailangan. At alinsabay nito’y bilin, paala-ala, samo at dalangin na Kanyang tinig ay marinig ng abalang puso at isip. Hatid Niya’y kasaganaan. Salita Niya’y buhay.

Tulad ng babaeng balo, marapat na ating isalig sa Panginoon ang ating alalahanin o pangamba. Sapagkat sa pakikipagtipan sa Kanya tunay nating matatagpuan ang kasagutan sa ating mga pangangailangan. Ang tunay na kakontentuhan at tagumpay ay nananahan sa pusong payapa at konpidante sa sariling kakayanan.

d.) Ang mga pagsubok na kanilang pinagdaanan ay pamamaraan ng Diyos upang tulad na isang magulang ituwid ang landas ng kaniyang mga anak.

Ang tao ay tulad ng kahoy sa kamay ng isang manlililok. Sa proseso ng panlililok, bawat tapyas ng kahoy mula sa kabuuan nito ay hugis ang nabubuo. Sa panahon ng paghuhugis, walang humpay ang pagdiin ng paet sa laman ng kahoy. Hugis na sasamahan pa ng maraming hugis upang makahalaw ng imaheng kaakit-akit at maipagmamalaki ng manlilikha.

Ang mga karanasan ng Israelita sa kanilang paglalakbay sa ilang ay hindi naging madali. Batbat ito nang mga pangyayaring humuhugis sa kanilang pagkatao bilang mananampalataya. Tulad nang manlililok, ang Panginoong Diyos ay kinasangkapan ang mga karanasang ito upang mabuo ang imaheng kalugud-lugod. Dumaan sila sa proseso na pagpupuro, pagpeperpekto at pagpapanibago, upang ilabas ang natatanging ganda sa kaibuturan nito. Tulad nila tayo ma’y sa parehong proseso ay sumasailalim. Itinutuwid ng hapdi at pait ng ating mga karanasan ang baluktot nating kaisipan at paniniwala upang mabuo humubog ng mapagpalaya, makatao, at maka-Diyos na naniniwala o pananaw. Tulad nang magulang na ayaw mapariwara ng kanyang mga anak, ang Diyos ay kumikilos sa mahiwagang pamamaraan upang tayo ay gabayan sa direksyong tungo sa Kanyang kaluwalhatian.

Ang naturang paggabay at pagdidisiplina at may kaakibat na tiwala. Ibig sabihin nagkakaroon ng kabuluhan ang proseso ng paghuhugis kung ang relasyon ng pagsuko at pagtitiwala ay buhay. Sapagkat kung ito ay wala, ang naturang mga karanasan ay nagmimistulang karaniwang pangyayaring dunaraan at lumilipas ng walang naiiwang epekto sa buhay ng isang nilalang. Ang hiwaga ng pagtitiis, hirap, pighati, kasawian at sakripisyo ay mauunawaan at nakikita ng pusong may pananampalataya.

---
Mapanghamon ang mga pangyayaring ating nararanasan sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Di tayo naiiba sa sitwasyong kinaharap ng mga Israelita sa ilang. Maraming beses tayong nadudupilas sa mga mapang-akit sa samyo ng pagmamalaki, pagiging makasarili, pagkawala ng malasakit sa kapwa, at panglulupaypay sa pananalig at pagtitiwala sa Panginoon. Marami tayong hinihiling marami tayong naisin, ngunit sa huli’y naiiiwan tayong nanlulumo at sawi dahilan sa ang mga pagpaplanong ito ay salig sa sariling kakayanan. Tayo’y nagkakasala sa Diyos at sa kapwa. Ngunit, "...Mahabagin (ang) Dios... kung umibig (ay) lubos.... Ang agwat ng lupa't langit, sukatin ay di kaya, gayon ang pag-ibig ng Dios sa may takot sa Kanya." ( Awit 103:8, 11, Magandang Balita Biblia [PBS]). Ang pagkatakot sa Kanya, ang binigyang diin ni Moses sa mga Israelita. Ang salin batay sa Good News Bible ay “have reverence” o respeto ang kaukulang tugon sa lahat ng Kanyang ginawa para sa atin. Sa Kawikaan 9:10, nasasaad, “Pagkatakot kay Yahweh ay simula ng kaalaman, Ang pagkilala sa kanya’y may dulot na kurunungan.” (Magandang Balita Biblia). Ang karunungang binabanggit ay tunay nating nakakamit sa mga pangyayaring ating nararanasan. Ang mga kasanasang ito ay itinuturing na pagsaway at pagtutuwid sa ating baluktot na gawi o isipin. Na kung saan, ang mga aral ay nahahayag at nauunawaan sa pamamagitan ng pananampalataya. Ngunit walang halaga sa mga taong walang takot sa Panginoon ang aral at mga saway (Kawikaan 1:7) na hatid ng daluyong ng buhay. Tulad ng gintong dudulangin, at pilak na hinahanap, ang tao ay sumasailalim sa proseso ng pagsasaliksik at pagdadalisay. Ang takot sa Diyos ang pinto tungo sa pagkaunawa na simula ng pagkatanaw ng himala, halaga at lalim ng Kanyang mga Salita na hatid ay paglaya at katuparan ng pangakong kasaganaan.

[1] Humbleness. Shaykh Salman al-Awdah: Moral Character of the Daa’iya (Translated by Muhammad Buneef) ,http://www.islaam.com/Print.aspx?id=433 >, April 5, 2005.
[2] Hyper Dictionary. Humility-Definition, <http://hyperdictionary.com/dictionary/humility >. April 5, 2005.
[3]Error! Main Document Only.Harry Cole, Illustration Page, Sermon. Org, 2004, January 5, 2005, . Illustrations. Worry. <http://www.sermon.org/illustrations.html,> April 6, 2005

Friday, October 29, 2004

Understanding Hagar: Rediscovering Ourselves

(A Reflection on the Story of Hagar, Genesis 16: 1-15)


Hagar was an Egyptian woman, maid-servant of Sarai, Abram’s wife. The long wait to have a child led Sarai to give Hagar to Abram and have a child for her. When Hagar became pregnant the insecurity of Sarai had grown deeper that she accused Hagar of despising her and of being proud. Sarai persuaded Abram to take action against Hagar. Faced with a decision that would affect his marriage and the excitement of having a child, Abram let Sarai decide.

Sarai treated Hagar cruelly. Hagar was forced to leave. She is pregnant and she has no where to go. The angel of the Lord called her and advised her to return. There was a promise in the angel's words who said,

I will give you so many descendants that no one will be able to count them. You will be going to have a son, and you will name his Ishmael, because the Lord has heard your cry of distress.” --- Genesis 16: 10-11 (GNB)

Hagar bore Abram a son and named him Ishmael.

---
Treasures in Tears

Hagar was often dubbed as antagonistic in the story of Abram and Sarai. She is commonly regarded as an unclean woman. Yes, she slept with a man who is not her husband. Sarai planned the whole thing, Abram the actuator of the plan and Hagar the concubine. The Bible is silent on the reaction of Hagar about the plan. We can only surmise she accepted it without a word. We can feel the fear within her when Abram started to touch her body? We can imagine her confusion between loyalty to her mistress and her cry for justice. What if she’s a virgin, can you picture her flowing tears? Can you hear the beating of her heart, troubled!

When Sarai accused Hagar of despising her and of being too proud, it was Hagar’s way of letting them feel the maltreatment and abuse that they caused her. That was the moment when Hagar was starting to gain her senses little by little. She saw clearly whole scenario. The misfortune that she undergone has to be faced with courage, and she knew that. No more to silence, she manifested her anger through her actions. That was a clear manifestation that all along she did not agree to the plan of Sarai. She was forced into it. She was silenced. Now, she’s opening herself to them. Her anger was expressed.

Sarai in the midst of her growing insecurity washed hands and blamed Abram. she declared:

“It’s your fault that Hagar despises me. I myself gave her to you, and ever since she found out that she was pregnant, she has despised me. May the Lord judge which of us is right, you or me!” (Genesis 16: 5)

With the authority and power Sarai had, she treated Hagar cruelly. It could be both physical and emotional. Hagar has her limitations to endure pain and cruelty so she run away with no definite direction. The last decision she’ll ever make. For she knew very well that now that she’s pregnant of Abram’s son, she deserve to enjoy the benefit of a woman carrying the child of the master. Running away would not only caused the loss of these privileges but of endangering the child inside her womb also.

The living Lord who sees anyone, sent an angel to instruct Hagar to go back to her mistress with a promise for her son. She returned to be a servant girl of Abram and Sarai again.

Why did God permit this to happen to her for the second time? Why go back to her mistress? The Lord saw her needs and her misfortune in the hands of this couple. The living Lord can likewise fulfill the promise to Hagar and Ishmael somewhere else.

Truly, God works perfectly unpredictable. What did God teaching Hagar? Us? It takes a lot of courage and determination to go back to people whom you hate. It takes a lot of strength to walk the road you despise. It takes unmeasured bravery to face the place that brought memories of abuse you want to forget. It takes great faith, to trust in the words of the Lord.

Behind the reality that she will face again the unchanged scenario in the house of her mistress, that discomfort and suffering awaits her return. She did go back! Why? She knew very well that she cannot stay in the desert much longer she had someone, the child in her womb. You feel the dragging steps on the way back to the house of her mistress. They were heavy, yet hopeful. Her legs may be shaking, yet determined to walk the road. Her heart beating fast with anticipation, but now with direction.

Isn’t it amazing! By facing our fears we gain courage; we conquer our anger, we are given a sense of direction; by accepting our condition we find peace and comfort; by facing painful memories of the past we are empowered. Behind our tears are treasures, lessons that are molding us towards our maturity in faith and being. We are prepared to face new challenges along the way of a labyrinth journey we call life.

In times of trouble God is whispering softly to our ears, encouraging us to stand when we stumble. God is giving us a summon to go back and not run away in the midst of challenges. God is sending people to help us redirect our path. God sees us in our entanglements and problems. God can feel our suffering hearts, its desire and wants; God can read our thoughts and God has a plan for us, for God loves us. It’s up to us if we will listen! We are to decide. Hagar had made her decision, unselfishly, though painful. Are you willing to do the same? To leave your comfort zone and conquer yourself?

In the midst of our frustrations and painful memories of the past lies the “honey” of life, surrounded by thorns and packed unattractively. these are derived from our experiences that brought us fear, anxiety, discouragement and tears. Surrounded by faces of people and events we don’t want to see and remember. Carefully hidden and kept by ourselves. It is our possession undiscovered. To appreciate it, is for us to taste its sweetness fermented and mixed just fine! In order to do this, we have to rediscover ourselves and search our innermost self ("loob").

---
Weaknesses Disclosed, God’s Response
(Genesis 21: 9-20)

The selfishness of Sarah manifested again when she instructed Abraham to send Hagar and Ishmael away so the maid-servant’s son may not get any part of Abraham’s wealth.

As God has planned forHagar, Abraham gave some food and leather bag full of water to Hagar and sent them away. The food provided was just enough for several days. Hagar troubled with their condition, sat down about a hundred meters away from her son for her not to see him suffering starvation.

God heard the cry of her son and provided them water to sustain them for the travel. God stayed with them as the boy grew up. hagar found an Egyptian wife for Ishmael.

---
Hagar’s staying from a distance with her son was to avoid seeing him die in starvation . Like other parents deciding to pack their new born baby in an old bag or shoe box and choose to leave the baby in an underpass, market or throw it in garbage can or in a dumpsite. They do cry and wrestle with their emotion and conscience! Knowing the fact that the baby will die anyway, and they cannot provide the child's basic needs, for they themselves don’t know where to find some food to survive the day.

In darkness, where we cannot see any light to guide our steps, when life unbearable to us, how can we know and make the right decision? Hagar’s faith in God’s promises is being tested here. And she failed. She lost her hope and faith in the living God who sees and gave a promise for his son. She was overwhelmed by fear and hopelessness, of pity and distress.

Truly, through trials and test that God is glorified and God’s mercy and love is vividly manifested; that through this time in our life that we are confess our weaknesses to God. We fail God most of the time, yet God knows when to intervene and when to carry us.

When the angel of the Lord appeared to Hagar, the angel said “What are you troubled about, Hagar?” (Genesis 21:17). What an insult for a person who is desperate with her son about to die! And why troubled? Is it not troubling to know that they don’t have shelter, food and clothing to protect her and Ishmael? They’re no alternative.

Yes, we are troubled by a lot of things, things that secure us to live decently. We are worried of our future that we neglect today. We are anxious of what will happen to us tomorrow that we forget how to appreciate what we have. Why troubled, Hagar?

“Don’t be afraid”, the angel of the Lord said. (Genesis 21:17) God is in control if you let your life be controlled. Definitely, God don’t want innocent lives to suffer and die due to unfaithfulness and of letting oneself be defeated by problems and challenges. God prepared bright plans for each and everyone. God is keeping promises. We will be able to surpass obstacles that would surprise us along the way. We will be capable mothers and fathers to our children with God’s guidance. We will be good citizens with God’s wisdom and care. We will be victorious of this world with God’s love. That is by remaining faithful to God and letting God our partner in the journey.


by: Aileen dela Cruz Isidro
28 October 2004

Thursday, October 14, 2004

SILENCE

A Reflection on the movie The Crime of Father Amaro

The story opened with Father Amaro, a young newly ordained minister assigned by their Bishop to a parish currently with Father Benito, traveling. The assignment serves as a preparing ground before he enters seminary school for further studies.

Amelia, a sweet young lady, daughter of Sanjuanera, fell in love with Father Amaro at first glance. Her interest to the young priest was uncovered to her boyfriend Ruben by Dionisia, an ordinary, religious and very observant old woman. At the confessional, Amelia revealed to Father Amaro her sensuality, of touching her body with the image of Jesus in her mind. She asked Father Amaro if it is a sin, finding no other words to say, he said yes.

The four corners of Sanjuanera’s restaurant witnessed the romantic moments between Father Amaro and Amelia. Where their eyes speak louder, revealing their innermost feelings and their bodies move hesitantly and controlled. Yet, the love (or lust) that penetrates their senses grew deeper and intense as time passes and circumstances find ways on how two hearts can meet and unleashed the feeling kept hidden in the eyes of the people in the community. In the church, a kiss ends the long wait.

Father Amaro looked for a place where Amelia and he can meet privately. In the place of Martin, the sacristan, he finds a hive for his plan. He made people believe that he is preparing Amelia to be a nun. Thus, freely they can meet.

The dilemma faced by Father Amaro became evident when Amelia informed him of her pregnancy. Father Amaro looks at the situation as a threat for his vocation and for his service to the people. Father Amaro prayed for a miracle from Virgin Mary. Finding no immediate solution in the midst of bothered hearts and confused minds, they end up agreeing to abort the baby. Amelia died due to uncontrolled bleeding and Father Amaro officiate her burial with a notion spreading in the community that Ruben made her pregnant and Father Amaro the Good Samaritan.
---
The movie reveals situations and issues which we often avoid discussing. The story uses ordinary people signifying the real world that we live in. It opens a new window for us to look into and ones and for all, see the long been covered malice, malaise and entanglements inside the holy place which needs to be addressed and exposed.

I like Dionisia in the story. She listens carefully in every sermon priests are rendering in every service. She is trying her best to comprehend the message behind the flowering words of the minister. Dionisia is a keen observer and sensitive individual. She can sense feelings and she apply what she learns in the church to the community though people looked at her as heretic. She regarded the ostia as the Body of Christ that heals, bread that ends hunger, provides nourishment to tired body and holy indeed to be respected. I like the scene in the movie where a group of young children have ostia gotten somewhere and are spreading jam to taste. The children are at one side of the church’s main door where people come and go. Only Dionisia took action and stopped the children from what they are doing, informing them of the essence of the bread. Sometimes we don’t bother on simple, tolerable things, yet this is an important moment that serves as an avenue for learning and discovery that are essential for character building of a child.
Poor people, deprived of being respected and listened to, who have their homes build from scraps, who are worried of a meal to sustain their body for a day, people who are often misunderstood and considered threats to the community’s peace and order for airing their concern and understanding on issues loudly in the streets.

Pssst….Dionisia!

People who are considered object and utilized for the benefit of the wealthy and in power.

Dionisia, I heared that you knew someone…..

These are the individuals Dionisia represents in the story. They learn best how to live their lives in the midst of struggle. They are spirited and determined to face challenges ahead. Their body had suffered so much pain that develops calluses, a mechanism of the body to immune the surface to pressure and abuse. These people whose actions are of less importance; they are all over, yet their presence are often ignored, victims of injustices and human rights violation; enslave by poverty caused by people who are selfish, thirsty of wealth gained in expense of others.

Most of them are in the door steps of our churches, begging. Some are in the streets finding comfort and shelter under bridges, condemned buildings and sidewalks. Some are behind bars due to crimes they have not committed. Some find means by engaging themselves to prostitution. Some are dying due to starvation while others are deprived of medical assistance due to lack of money.

Who will understand them? To whom they will get their perseverance and hope to continue on this kind of life, which they don’t choose to be like? Who will guide them and help them out of the pity that they’re into? Who will inform them of the good news? Who will uplift their spirit in the midst of problems that slowly eating their courage and determination to continue the journey? To the ministers of the church, whom they believe have a heart to charity? What if the minister who supposes to impart examples for them to follow, the ones who are teaching the words of God for salvation, is the same person who doesn’t care for a life of a child, whose birth entails individual reputation and shame? What if persons whom they respected, are abusers themselves? Just like what Father Amaro did. He threatens a newspaper firm with regards to the rebuttal the church prepared in response to accusations, which the church denied.

The appearance of Dionisia in the story is not only relevant for the revelation of dark secrets of influential people in the community. The message beyond Dionisia’s portrayal of a sensitive, old woman, knowledgeable of scandalous information is her silence. On the burial service for Amelia, she sat beside Gordo, the mayor of Los Reyes, with her expressive eyes centered to the officiating priest, Father Amaro. For the fact that she connived with the priest in exchange of a money to abort the baby, she is sitting there as stigma to the sacredness of the ceremony. She chooses to keep silent. She nursed the truth in the bosom of her fear and personal interest. Her silence is an epitome of usual decisions chosen by ordinary people caught in the situation between truth and life. Her silence is a manifestation of the continuation of the sickness diagnosed yet ignored, thus worsening.

When are we breaking the silence? How long are we going to hide concerns needing to be addressed and cured? How many more innocent lives be wasted for the sake of reputation and prestige? How long can we endure the pain of the past asking for freedom and justice? When are we be able to resist the voice that is stopping us to expressed ourselves? When?


Aileen dela Cruz Isidro-Carbonell

Si Maria Clara, Si Mardalena at Ako

Si Maria Clara, larawan ng kahinhinan, ng kariktang hinahangaan, ng kapinuhan sa kilos at pagsasalita, ng Filipinang mayumi at mapagmahal, ng Filipinang tapat sa pag-ibig at handang magsakripisyo sa kapakanan ng kanyang mga minamahal, ng Filipinang relihiyosa at masunurin. May pagpapahalaga sa kulturang umiiral at may kapusukang kontrolado ng lipunan.

Mula elementarya hanggang kolehiyo, matiyagang pinaunawa sa amin ng aking mga naging guro sa Literaturang Filipino at pag-aaral sa Buhay at mga Akda ni Rizal ang mga katangian ni Maria Clara upang aming gayahin at ipamuhay. Maging sa tahanan, layunin ng mga nanay at lolang ipamana sa kanilang anak o apong babae ang mga gawing Maria Clara.

Lumaki ako sa piling ng apat na lalaki, si tatay at ang tatlo kong kapatid. Panganay ako’t halos ang pasikut-sikot sa kusina’t buong kabahayan ay akin ng kabisado. Sa murang edad ay iminulat na ako ng aking mga magulang sa mga gawaing ito, sapagkat sagisag daw ito ng pagiging responsible at matulungin. Kaligayahan daw nila na makita nila akong may kakayahang tumayo sa aking sariling mga paa. Sapagkat darating ang panahong, ako’y mag-iisa sa mundong puno ng pagsubok at pakikipagsapalaran. Natutunan ko ang mag-asikaso ng mga kapatid. Inaabutan akong ng aking mga kalarong abala sa paglilinis ng bahay o kaya’y sa pagtulong kay nanay na naglalaba. Mula umaga hanggang tanghali ang gawain sa bahay. Pagdating ng hapon, magsisimula ng ala-una hanggang alas-tres ay and pagpapatulog naman sa aking mga kapatid samantalang ang aking mga kababata’y abala sa paglalaro ng piko o bahay-bahayan. Ang ginagawa ko’y pinagsasabay ko ang pagpapatulog at panunuod sa aking mga kalaro na tanaw ko sa bintana. Naririnig ko ang iba nilang kulitan at galitan, at ako’y nakikitawa sa bawat halakhakan. Minsa’y sinita ako ni Inay, “Ano bang tinatawa-tawa mo diyan, intindihin mo ang pagpapatulog at mayamaya’y mag-iigib pa tayo ng tubig.” Nakontento na ako sa gawing ito. At minsan kung may pagkakataon ako’y tumatakas at nakikisali sa kanila. Ngunit wala nga lamang kapanatagan, sapagkat di kailangang ako’y mapasarap sa paglalaro, baka di ko makitang si Inay ay parating, tiyak tainga ko’y kanyang pipingutin. Kakaba-kaba, pero masaya. Masaya? Siguro! Natanggap ko na na iyon ang pinakamadaling paraan upang panandaliang ako’y makaramdam ng kasiyahan at kalayaan.
Maraming beses na sa aking murang edad, ako’y nagtatanong sa sarili. Bakit kailangan kong magtiis sa kapapanood sa kanila’t di ako pwedeng sumali? Bakit dapat ako’y sa bahay lamang? Bakit kapag ang mga kapatid kong lalaki ang maglalaro pwede mula umaga hanggang gabi? Bakit pinagagalitan ako kapag hindi makatulog sa tanghali ang aking mga kapatid? Bakit hanggang bahay-bahayan, sungka, garter, at manikang papel lang ang aking laruan o libangan. Bawal tumakbo, bawal ang shorts, bawal sumali sa mga larong panglalaki. Pero ang mga lalaki pwede sa mga larong amin lamang sana.

Masaya kapag kasama naming maglaro ang mga lalaki, marami silang ideyang makatutuwa at interesante, ngunit ang kasayaha’y nasasalansan ng isipang “mahirap daw na kami’y magkasama”, dahil “ang babaing malapit sa lalaki’y malandi at kiri”. Gayahin daw namin si Maria Clara, ang kanyang kilos ay may pag-iingat, di padalos-dalos at di pinahahalata ang damdamin sa lalaking iniirog, ang sikreto’y sa kapwa babae lamang ipinahahayag.
Sa aking paglaki ang imahen ni Maria Clara ang aking dinala sa labas ng bahay, hindi sa loob. Maraming beses na kami’y nagtatalo ng aking mga kapatid dahil para silang ahas kung magpalit ng damit. Kung saan abutin ng paghuhubad, mapa sa sala o sa hagdan, sundan mo’t pirapiraso mong matatagpuan. Lumaki silang malaya sa gusto nilang gawin. Na kahit may mga pagkakataong sila’y pinangangaralan bunga ng aking pangungulit at pag-angal, parang hindi na epektibo, at tila din na tumitimo sa isipan nila.

Maraming beses kong naririnig sa tuwing ako’y umaangal ang katagang “hayaan mo na, panganay ka dapat mo silang unawain, at babae ka!”. Babae ako, kaya dapat tanggapin ko ang ugali ng mga kapatid kong ninanais kong mabago. Babae ako kaya dapat ako ang magtiis. Babae ako kaya dapat ako ang kumilos sa bahay at magligpit. Ang aking pag-iyak at pagbubunganga ay natural na sa akin, dahil babae ako, kaya’t di na gasinong pinapansin. Babae ako! Kung ganito rin lamang ang kondisyon sa pagiging babae, ayoko nang maging Babae!!!
Noong malapit na akong matapos ng kolehiyo, palagiang pumapasok sa aking isipan, “Ano kayang trabaho ang pwede kong pasukan habang di pa ako natatanggap sa aking inaap-playan?” Alam kong maraming tapos sa pag-aaral ngunit walang trabaho. Karamihan sa mga babaeng tapos, sa lansangan mo matatagpuan. Bansag sa kanila’y “napariwara”, dahil may pinag-aralan ngunit di naman daw ginagamit. Ang iba’y maagang nakapag-asawa dahil, ayon sa isa kong kaibigan, napagdesisyunan daw niya itong gawin upang may masandalan.
Habang sila’y abala sa kani-kanilang plano, okupado ang isip ko ng mga trabaho tulad nang: pagtitinda sa construction sites, tricycle driver, taga-latag ng papag tuwing tiyangge sa plaza o sa palengke. Marami kasi akong koneksyon sa mga nasabing trabaho kaya’t tuwina’y ang mga ito ang sumasagi sa isip ko. Alam kong mahirap ang mga trabahong aking nabanggit, ngunit kakayaning ko upang sa pamilya ako’y makatulong na.
Minsang ako’y nagpahiwatig ng interes ko sa mga nasabing gawain sa isa kong kakilala, siya ay nagtawa at sabi’y ako’y nahihibang na! Delikado daw sa gawaing iyon, at panglalaki lang daw ‘yon sunod niya. Nagpahabol pa ng payo na lalo kong kinainis, “Ika’y umuwi na at magpaganda, sapagkat sa bahay ikaw ang reyna, hindi sa kalsada.”

Sa kanto, ako’y napadaan galing sa eskwelahan, may umpukan ng mga kalalakihan, ang iba’y naging kakaklase ko sa elementarya, ang iba’y matagal ng tapos at walang pirmihang trabaho. Malulungkot ang kanilang mukha habang nagkukuwentuhan sa gitna nila’y umaaaliw ang Tanduay. Nang medyo malapit na ako sa kanila, aking naulinigan ang kanilang usapan. Ang tema ng kanilang kwentuhan ay ang hirap ng paghahanap ng trabaho. Naki-naki’y gustong ko sanang sumabat! Gusto kong ipabatid na maraming praktikal na trabahong pwedeng pasukin. Kung ako ang naging lalaki di ko magiging problema ang kanilang pino-problema.
Minsan nga naisip ko, sana naging lalaki na lamang ako. Siguro di limitado ang pwede kong gawin. Mas malawak siguro ang oportunidad na darating sa akin, walang magbabawal sapagkat kami ang inununawa at pinagtitiisan.

Hanggang minsa sa daan pauwi mula sa eskwelahan, may nakita akong dalawang lalaking nagtatalo at may isang babaing sa kanila’y pumipiit at pumapagitna sa dalawang akmang magsusuntukan. Ang sabi ng isa, “Pare huwag mo na siyang idamay dito, dahil babae siya”. Narinig ko nanaman ang “magic word”, babae siya. Larawan ng kahinaan at limitasyon.

Ngunit sa bawat pagsikat at paglubog ng araw, di nito nabubura ang realidad na “Babae ako”. Hindi ko kailangang mabuhay sa ilusyon na baka sakaling sa hinaharap na panahon maging lalaki ako. Na baka sa may engkantadang ako’y pagkakalooban ng kahilingan at ako’y pagbigyan sa aking naising magbago ng kasarian.
Pinabababa ng naghaharing kaisipang ang aking pagkatao. Nakalimutan ko nang pahalagahan ang aking sarili, siguyo’y napagod na ako sa kaiiyak at kadadaldal, sa naising ako’y marinig naman; siguro’y unti-unti ko naring natatanggap ang sistemang ipinipilit at itinatanim sa aking isipan ng lipunan mula pa pagkabata, siguro’y namanhid na ako sa sakit na sa aking pagkababae’y idinudulot ng baluktot na pananaw sa aking tunay na halaga, bilang nilalang; siguro’y di ko lang alam ang aking gagawin at wala akong makitang kakampi sa isang adhikaing karapatan ng babae’y ipaglaban sa kapaligirang aking ginagalawan. Ngunit isang bagay ang may kasiguraduhan, babae ako at naglalakbay.

Tipikal akong babaeng matatagpuan sa komunidad. Marami pang tulad kong naghahanap ng karamay. Kamalaya’y nalilihim, sapagkat di pinakikinggan. Tahimik sa apat na sulok ng tahanan. Nagnanais na lawak ng mundo’y mamasdan at naghihintay ng pagkakataong ako’y pagbigyan.
Sa tuwinang ako’y titingala sa bughaw na kalangitan, pangarap ko’y naglalaro sa aking isipan. Para silang pelikulang iba’t iba ang eksena. At aking pinanabikan ang dulo ng bawat kabanata. Masarap, libre ang mangarap. Ngunit sa pag patak ng ulan sa aking pisngi o pagkapuwing ng mata ko sa dumi, nauudlot ang aking pagmumuni-muni. At ako’y bumabalik sa katotohanan ng buhay kong ginagalawan.
Kailangang may mabago, kailangan kong kumilos, kailangan kong magsimula tungo sa pag-abot sa mga larawang napakapinta sa isipan ko twina, ng di ko na kailanganing tumingala pa upang ito’y malaya kong mapagmasdan, kundi’y ganap ko na itong maranasan.

Ang limitasyong sa mga babae’y idinikta ay marapat na gamitin tungo sa pagbabagong aming nasa. Sa paligid, marami pala silang lumalaban ngunit dinudusta.

Laman ng pahayagan at programa sa telebisyon ang kababaihang lulong sa prostitusyon. Aking naaalala ang aking kaibigan na nagpasyang magpakasal upang siya’y may masandalan at ang ibang babaeng piniling sa bahay aliwan na abutin ng takiplisim dahil doon sila’y pinapansin, pinag-aagawan. Doon nila nararamdaman ang pangangailangan sa kanila ng lalaki. Doon lahat nang kanilang hiling ay sinusunod ng “customer” na nag-table sa kanila. Doon sila ang nasusunod. Doon sila ay kaakit-akit, at atesyon ng mga kalalakiha’y sa kanila nakatuon. Doon may kalayaan silang gawin ang ibig nila. Doon ang boses nila ang pinakikinggan nang lalaking nagnanais na siya ang tabihan at tanggapin ang alok na salapi kapalit ang panandaliang aliw.

Di ba’t larawan sila ng babaeng lumalaban at patuloy na nakikipagsapalaran sa mapanghamong takbo ng lipunang pilit silang ikinakahon? Sila ang larawan ng mga kababaihang itinaboy sa ganitong gawain dahil pinagkaitan ng pagkakataong mapatunayan ang kakayanan sa ibang larangan. Masisisi ba natin sila na dito nakatagpo ng kalayaang, matagal nilang hinahanap. Masisisi ba natin sila, kung sabihin nila sa ating “masaya na kami dito”, dahil ang pintuan tungo sa tagumpay ay pinakitid ng mapanakop na kaisipang babae’y di pinahalagahan? Masisisi ba natin sila kung mas piliin nilang manatili sa ganitong uri ng gawain, kung saan kanilang natutustusan ang pang-araw-araw nilang pangangailangan?

Katawan nila ang kanilang puhunan, ang kayamanang biyaya ng Maykapal sa babaeng kanyang nilalang. Ang katawang ito ang bumebenta at minamahalaga. Animo’y ito na lamang ang pagkakakilanlan sa Babae.
Magdalena,marumi, mababang lipad, mga salitang sa mga ganitong uri ng babae’y ibinabato. Ngunit sila’y nagpapatuloy na lumalaban at namumuhay. Bukas ang isipan sa kalakaran ng lipunang kanilang ginagalawan. Dumarami sila araw-araw, pabata ng pabata.

Si Maria Clara, simbahan ang naging takbuhan. Sa pag-asang dito siya makakahinga ng maalwan mula sa paninikip ng dibdib sa mga damdaming samu’t sari, dulot ng kanyang dinagdaanang karanasan. Dito siya sumasanguni, sa paghahanap ng kasagutan sa mga katanungang sa kanya’y gumugulo. Rosariyo, ang hugutan ng lakas at sandata sa panganib. Pagkukumpisal naman, sa hangaring makalagan ang tanikala ng kunsyensang nagbubulong siya’y nagkasala at kailangan magsisi.

Ngunit maraming taong simbahan ang magbabansag sa mga Magdalenang ito ng iba’t ibang taguri. May mga taong sabi’y sila ay Kristiyano, ngunit sila’y pinandidirihan. May mga taong sabi’y relihiyoso’t relihiyosa ngunit sila’y iniiwasan.

Saan sila tatakbo, sino ang magpapakilala sa kanila kay Kristo na handang magpatawad sa mga kasalanan maging gaano man ito kabigat?

Tulad ni Maria Clara, nananaghoy sa malakas na ulan at liwanag ng kidlat, ang boses ay di marinig dulot ng ingay na sa paligid ay bumabalot. Kumbento ang kanyang naging taguan, sa pag-aakalang dito siya’y makakalimot sa mga di magagandang karanasang kanyang pinagdaanan. Tila hindi ito nakatulong sa kanya, siya’y nakulong sa isang kahong pinili niyang pasukin. Siguro’y napagod na siya sa mapaniil sa sistemanag laganap, siguro’y napanghinaan na siya ng loob dahil sa limitado niyang kalayaan, siguro’y nanlupaypay na siya, bunga ng kaisipang siya’y mahina at kumulong sa kanya upang mawalan ng karapatang patakbuhin ang kanyang sariling buhay.

Ang mga dasal at pagrorosariyo niya’y di nagpagaang ng kanyang suliranin. Ang pag-aalay niya ng sarili sa paglilingkod sa Panginoo’y tila di naging sagot upang siya’y makapanibagong buhay.
Naging bilango siya ng mapait na kapalaran, naging tanikalang bumibihag sa kanya ang kanyang pagpasok sa kumbento, Ang akala niyang sagot sa kanyang sulirani’y, nagsilbing panibagong labang kaniyang susu-ungin.
Di ba’t si Magdalena at si Maria Clara ay walang pinag-iba? Pareho silang biktima ng lipunang mapanghusga, ng patriyarkal na kaisipang babae’y sekondarya, ng sistemang nagpipinid sa tunay na ganda at halaga ng babae sa apat na sulok ng tahanan upang magsilbi at magtiis, ng kulturang kimi at takot na sumalansang sa daluyong ng naghaharing imperyo?

Ang mga daing nila, dala ng hanging malayang umiihip sa mga kabukiran at lunsod, sa kabundukan at kapatagan. Bumubulong, ngunit di marinig, nagpaparamdam ngunit di alintana. Sa bawat pagdaloy ng luha ng kababaihan, saksi ay ulan na malayang bumubuhos upang diligin ang mundong maalibok at maalinsangan. Hatid ay ginhawang panandalian at naghahanda sa panibagong laban sa muling pagsikat ng haring araw. Katulad ng maraming kababaihan ng kasaysayan na halos karamiha’y walang pangalan at mukha, ang pagnanais na kumawala sa patriyarkal na kaisipang umiiral ay patuloy na nag-aalab. At umaasang panahon ng kamulatan ay atin nang makamtan.

Kalayaan, ang naiisin ng mga kababaihan. Pagkakakilanlan higit sa aming katawan. Pagkakataong tinig nami’y marinig. Karapatang makapagdesisyon ayon sa aming naisin at simulain. Huwag ninyo kaming ikahon sa kaisipang mahina, iyakin, matiisin, pangbahay at aliwan. Ating palayain ang pare-pareho nating damdaming bilanggo ng kaisipang babae’t lalaki’y pinaghihiwalay ng hirarkiya ng lipunan, ng kulturang may dominante at may alipin, ng ugaling mapaniil at mapagsamantala.

Sabay nating tanawin, babae at lalaki, ang bukas sa maluwang na pintuan ng pagkakaisa, sabay nating taluntunin ang hiwaga ng buhay sa ating paglalakbay, sabay nating palayain ang kapwa natin damdamin at kaisipan sa patriyarkal na sistemang lumalamon sa ating pagkatao.

Lalaki ka, babae ako, tuwang tayo! Lalaki ka, babae ako, pinagpala ng magkaibang katangian at kakayanan upang magtulungan sa magkaiba nating pangangailangan. Lalaki ka, babae ako, buwagin natin ang pader ng pagwawalangbahala at pangmamaliit, at simulan natin buoin ang tulay ng ugnayan at unawaan na si Hesus ang panulukan.

Aileen dela Cruz Isidro-Carbonell
(a paper submitted to the course Feminist Interpretation of the Bible)


Ang Hubad na Katotohanan

Hilig ko ang magpinta. Nais ko’y mahalaw ang mga larawan ng magagandang tanawin, bagay, tao, base sa mga katangiang taglay nila, na tunay na nagpapatingkad ng kagandahan ng mundong ginawa ng Maykapal sa aking munting papel. Mga damdaming natatago sa mga simple o pangkaraniwang sitwasyon; mga pangyayaring may dalang aral na di kailan man matatabunan ng bawat pagkalagas ng dahon; o aking mga karanasang nag-iwan ng marka sa aking buhay; minsan kahit ano na lamang na pumasok sa aking isipan!

Naging miyembro ako ng isang samahan ng mga “Painter” sa aming lugar. Tuwing sabado ang pagkikita-kita namin at dumadalas naman kung bakasyon. Kami ay pumupunta sa iba’t ibang pook sa aming bayan upang magpinta ng kahit ano sa abot ng aming matatanaw at sa lawak ng aming imahinasyon.

Karamihan sa mga kasapi ng grupo ay mga lalaki, dalawa lamang kaming babae. Ang samahan ay nabuo sa layuning makalinang ng mga bagong pintor at mapatingkad ang sining at kultura ng aming bayan sa pamamagitan ng pagpipinta. Walang bayad ang pagsali, kanya-kanyang dala lamang ng gamit sa pagpipinta.

Isang araw, ibinalita ng isa naming kasamahan na may inimbita daw na babaeng mag-mo-modelo para sa “nude painting session” ng grupo. Inalam ko lahat ng detalye kung saan, kailan, magaganap ang sinasabing “nude painting session”. Labis ang kasiyahan ko dahil, isa ito sa mga pagkakataong aking hinihintay. Ang pagpipinta ng hubad na katawan ng babae para sa akin ay isang kapahayagan ng kagandahan ni Eba mula sa bawat kurba ng kanyang katawan at sa bawat marka na dito’y matatagpuan. Isa rin itong ilustrasyon ng natatanging kariktan na puno ng damdaming sumasalamin sa kanyang saloobin, karanasan bilang isang indibidual na nababantad sa kanyang kahubaran at pinatitingkad ng pagsasama-sama ng mga kulay na sa papel ay ipapahid.

Banaag sa usapan ng bawat kasapi ng grupo ang kasiglahan at interes sa pagdalo. Di magkamayaw ang karamihan sa pag-iisip ng sari-saring konseptong ilalapat sa obrang sisimulan.

Sa di kalayuan aking naulinigan ang dalawang kasamahan naming iba ang pinag-uusapan. Ang isa ay nagtatanong kung saan daw “beer house” o “night club” nakuha ang babaeng modelo sa “nude painting session” ng grupo. Nahalatang sa kanila ako’y nakatingin, pabulong na sinagot ng kausap ang katanungan at sabay sumilay sa kanilang mga labi ang manipis at nanunuyang ngiti.

Bakit “beer house” o “night club” ang unang sumasagi sa isipan ng tao, kung mabalitaang ang isang babae ay magmumudelo ng hubad sa mga “painting sessions”? Isa bang nakakahiyang gawain ang gagampanan ng babae sa painting session? Isang bang pagpapababa ng kanyang pagkababae ang kanyang gagawin? Gawain ba itong maihahalintulad sa pagbibigay ng panandaliang aliw? Sapagkat ang mga katangiang nabanggit ang karaniwang paglalarawang ginagamit sa ganitong uri ng mga babae. Mga babaeng binabansagang “mabababa ang lipad”.

Ang mga babaeng tulad nila ang walang takot sa pagpapakita ng kanilang katawan at nilulunok ang pagpatol sa mga kalalakihang naghahanap ng kasiping sa magdamag. Kaya ba? Kaya ba ang mga ganitong uri ng babae ang unang iisiping makasisikmura ng pag-mo-modelo ng hubad?

Sila ang babaeng di na pinangangalanan, silang ang mukha ay natatago ng mga bahagi ng katawan sa larawan, sila ang mga babaeng pangkaraniwan.

Ang Gawa ay akdang pinaniniwalaang isinulat ni Lukas. Ito ay nasulat A.D. 61. ang pangunahing tema ng akda ay ang paglago ng Iglesiya sa pamamagitan ng paghayo ng mga apostol sa iba’t ibang panig ng kalupaan at ang kanilang walang takot na pagpapahayag ng Mabuting Balita ng kaligtasan. Malinaw na nailarawan ni Lukas ang mga hinarap na hamon ng mga apostol at maging ang mga taong piniling maniwala kay Kristo at tumalima sa Kanyang mga utos. Maraming sakit at pighati, maraming tagumpay at pagpupunyagi, maraming aral na bumukal mula sa personal ng karanasan ng mga mananampalataya.

Sa aking pagbabasa ng aklat na ito sa Bibliya, kapansin-pansin na halos walang karakter na babae sa bawat kabanata. Kung meron man, masyadong kolektibo ang paggamit. Tulad ng mga “mga babaeng balo”, “pangunahing babae (Gawa 17:4). Bibihira na mabanggit ang tunay na pangalan ng babae. Sa Gawa 16:14, ang pangalang Lydia ay naitala, na isang babaeng taga-Tiatira at mangangalakal ng mga telang purpura. Ang pangalang ito ang kaunahan na babaeng pangalan ang nabanggit sa buong aklat. Sinundan sa Gawa 17:34, Damaris, babaing kabilang sa mga taong nagsisunod at nanampalataya sa Panginoon.

Sa aking isipan isang komunidad ng lalaki’t matatanda o babaeng balo ang bumubuo sa lipunan. Ang mga babae, kailangang pagsilbihan, at walang lakas upang buhayin ang sarili. Maliban dito, ano pa ang papel nilang ginagampanan sa komunidad? Bakit di napapansin ang kanilang indibidual na pagkilos sa lipunana? Bakit bilang lamang ang babaeng may pangalan?

Sa isang akdang aking nabasa na pinamagatang, From Courtesans to Cleopatra:The Portrayal of Women in Hellenistic Art and Literature, ng isang di nagpakilalang manunulat kanyang naisulat:

Nude women were also depicted in Classical Greek art, but not in the same idealized fashion of the male nude. Starting from around 530 B.C. naked women appeared with greater frequency on Attic vases; however, these women were also hetairai (courtesans). Respectable women were never shown nude on vases. If they were on a vase, they were clothed.
Attic vase painters were probably just producing the type of goods the market demanded. Since the market was predominantly a male population who attended the symposia and had drinking parties, pictures of courtesans in all types lewd poses were the choice. If men were not in the mood to look at other men, they wanted to see the "fast" women. Playboy Magazine was not available then, but Attic vase paintings served the purpose just as well.
Sometimes who were not hetairai were shown as partially naked on some vases. These were always in the context of mythological scenes. The scenes were often a potrayal of imminent rape, or some other harm. These women were always depicted as weak and vulnerable, or defenseless. And, in a sense, the naked hetairai were also vulnerable.
It is evident in studying vases from the Classical age that women were not accorded with much respect. Naked courtesans graced the wine cups of men at the symposia. Old hetairai, often depicted as fat and ugly, were shown performing all sorts of degrading acts. Respectable women were shown in two contexts: in vulnerable and defenseless positions of imminent harm, or ideal and the 'exalted theme' of the male nude is clear dichotomy from the vulnerably naked or respectably clothed woman.
Some wealthy women even used their fortunes to help benefit the lives of others. Since the economy of the Hellenistic age was at times very poor, wealthy people were expected to help their communities. Phile of Priene was elected as a magistrate because she had, at her own expense, constructed a reservoir for her city. Papyri show women on the records of land sales, women "agreeing" to loans made by their husbands, or agreeing to contracts made by their husbands.
These are women who are given more respect; they are taken into account by the man around them. They are recognized and reckoned with. This all sounds very positive; but in reality, it is a partial picture at best. Most Hellenistic women got little recognition at all. Most were not married to kings (obviously) or even in an elite position to finance public projects. Most women were not without male guardians -- men who had the final say in decisions, such as whom they married. Most were not educated, in fact, most could not even sign their names.[1]


Helenistang kaisipan! Ilang siglo nang ito ay nakalipas, kaisipang pinagdusahan ng maraming kababaihan, ngunit tila ang laban ay di pa natatapos sapagkat ang kaisipian ay gising sa ating panahon ngayon. Sa iisang lente ba tayo’y nakikitingin? Sa iisang kahon tayo’y nakikisiksik? Sa kanilang batayan tayo’y nakikisalo?

May mga babaeng sa harap ng kamera, nababantad ang katawang puhunan sa paggawa ng pelikula. Na karamihan ay piniling suungin ang ganitong hamon upang makilala at kumita ng mas malaking halaga. Sa likod ng mga tabing at maliwag na ilaw na sa kanilang katawa’y nagpapatingkad, larawan sila ng kababaihang tila sa mata ng lipuna’y puno ng kalaswaan. Ngunit para sa mga sumusuporta sa ganitong gawain, sabi nila’y kapahayagan ng sining ang kanilang ginagawa. Ang bawat pelikulang malaswa sa iba’y obrang nakakahon sa lent eng kanilang kamera, obrang may mabigat na mensaheng sa lipuna’y nais ipahayag.

May mga babaeng sa mararangyang entabledo nagmumudelo. Gamit ang katawan binabalutan ng kung anu-ano. Mga piraso ng damit o palamuti, pinturang makukulay ang tapal sa maseselang bahagi ng katawan. Ang sabi “Liberasyon sa Kapahayagang pang sining”. Walang tutol dito, sila’y pinapalakpakan, tinatanyag at hinahangaan sa lakas ng loob at sa hugis ng katawan.

Ang mga artista sa pelikulang naghuhubad,nakikilala, may pera. Mga modelo sa entablado rumarampa ng kita ang katawan o minsa’y nagpapakita ng ilusyon ng kahubaran, dala ang sikat na pangalan ng damit na iniindorso at maging ang designer ng kanilang mga saplot, may pangalan, kilala, may pera.

Mga babae sa “beer house” at “night clubs” nakapagpapakita ng katawan, matatapang ang loob, may pera di kilala. Bakit? Anong pinagka-iba nila. Dahil walang salitang “sining” na kakabit sa kanilang ginagawa gabi-gabi?

Napatatahimik ng salitang “sining” ang pagsasamantala sa mga babae, napapaniwala ng salitang “sining” na tama lamang ang ginagawang pang-aabuso sa pagkababae ng mga kababaihan sa iba’t ibang larangan. Naitatago ng salitang “sining” ang bulok na kaisipang lumalason sa ating tunay na liberasyon mula sa kolonyal na pag-iisip.

Marahil nga, ang babaeng inimbitahan ay pinangakuan ng malaking mahalaga upang gawin ang pagmomodelo. At dahil sa ganitong alok siya ay nagpaunlak. Marahil nga, ito ay kanyang hanapbuhay at ang pangunahin niyang layunin ay ang kumita ng pera. Marahil siya ay napilitan o kaya’y dina bago sa kanya ang ganitong gawain.

Ngunit mula sa kanyang katawan sumisibol ang mga bagong likhang sining sa nakukulog sa kwadradong papel. Mula sa hubad na katawan ng babae nababantad ang angking kakayahan ng isang pintor. Mula sa katawang hubad na ito sila’y nagkakapera. Mula sa hubad na katawang ito ang pintor ay nakikilala. Mula sa hubad na katawan ng babaeng pinipinta ay ang pagsasalarawan malagom na kaisipan at damadamin sumasaklaw sa iba’t ibang bintana ng buhay at makulay na karanasan.

Akala ko sa paningin ng mga pintor, iskultor at ng iba pang alagad ng sining, ang hubad ng katawan ng babae ay isang obrang ipinagmamalaki at minamahalaga. Akala ko sa mata ng mga “artist” ang hubad na katawan ng babae ay larawan ng isang natatanging sining na bukal ng iba’t ibang kapahayagan o mensahe ng isang nilalang na nakikipagsapalaran at daluyong ng buhay ay sinusuong. Akala ko, ang mga “artist” ay may malalim na pagtingin sa mga larawang kanilang natatapos mula sa hubad na katawan ng babae. Na di nila tinitignan ang katawang ito bilang laruan at aliwan. Mali pala ako.

Nananaig pa rin at buhay sa isipan ng tao ang Helenistang kaisipan na ang babae’y sekondarya at palamuti lamang. May katawang sumasagot sa init ng laman at kariktang gamit sa pagpapatingkad ng pagkalalaki sa paningin ng kapwa lalaki; o nagsisilbing isang kaparaanan upang ang kanilang kakayanan ay mapatingkad at mapapurihan.

Hindi pa natin natatawid ang tulay ng pagbabago. Patuloy tayong minumulto ng impluwensya ng dayuhang sa pagkatao nati’y natimo. Nananahan tayo sa kahapon na batbat ng kaisipang sa pag-unlad at pagka tao nati’y nagkukulong.

Ang pagtingin natin sa kapwa Pilipino ay base sa sosyal na hirarkiyang likha ng dayuhan, base sa kaisipang malaya nating pinahintulutang tayo’y igapos.

Ito ay ang hubad na katotohanan na laganap sa lipunan!




Aileen Isidro-Carbonell
October 4, 2004, 2:02 p.m.
(at the Registrar’s Office, Union theological Seminary, Dasmariñas, Cavite 4114)
[1] http://members.tripod.com/~Kekrops/Hellenistic_Files/Hellenistic_Women.html